Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Narito sa alamat na ito ang mga sagot.
Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda.
Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay.
"Maria, magbayo ka ng palay," ang wika ng ina.
"Opo," ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos.
"Maria, magmadali ka," ang tawag na muli ng matanda. "Wala tayong bigas na isasaing."
"Opo, sandali po lamang," ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig.
"Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka," ang galit na galit na utos ng matanda.
Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang kanyang nanay ay dapat siyang sumunod nang madali. Nagbayo na siya nang nagbayo ng palay.
Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay pinawisan.
"Napupuno ng pawis ang aking kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili.
"Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa langit na noon ay mababang-mababa at naabot ng kamay. Samantalang siya ay nagbabayo ay tinitingnan ang suklay at kuwintas.
"Kay ganda ng aking suklay at kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili.
"Pagkatapos na pagkatapos ko nang pagbabayo ng palay ay isusuot ko uli ang aking suklay at kuwintas."
Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay upang ito ay matapos at maisuot niya uli ang suklay at kuwintas. Tumaas ng tumaas ang pagbuhat niya ng halo at dumalas nang dumalas ang pagbagsak nito sa lusong. Umaabot na pala ang dulo ng halo sa langit, nguni’t hindi niya napapansin. Sa palay na ngayon ang kanyang tingin. Tinitingnan niya kung malapit na siyang makatapos upang maisuot niya ang suklay at kuwintas. Itinaas pa niyang lalo ang pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak nito sa lusong at nang madaling mabayo ang palay.
Sa bawa’t pagtaas pala niya ng halo ay bumubunggo ang halo sa langit at sa bawa’t pagbunggo naman ay tumataas ang langit. Nang mapuna ni Maria ang nangyayari ay mataas na ang langit. Tangay-tangay ang kanyang gintong suklay at kuwintas. Hindi na niya maabot ang mga ito.
Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang suklay at kuwintas.
Noong gabing yaon ay umupo si Maria sa may bintana at tinintingnan niya ang langit na ngayon ay mataas na mataas na. Hinanap niya ang kanyang suklay at kuwintas. Naroroon ang kanyang gintong suklay at siyang naging buwan. Ang mga gintong butil ng kanyang kuwintas at nagkahiwa-hiwalay at siya namang naging mga bituin.
"Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay," ang wika ni Maria sa kanyang sarali, "At anong kinamg ng mga butil ng aking kwintas!”
Showing posts with label Mga Alamat. Show all posts

Alamat ng Pinagmulan ng Lahi
Labels:
Mga Alamat
Ayon sa matatanda, ang Bathalang lumikha ng daigdig ay si Laor.
Ayon sa paniwala ng marami ay matagal siyang namuhay na nag-iisa dito sa daigdig. Hindi malaunan at siya ay nakaramdam ng pagkalungkot sa kanyang pag-iisa. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay umisip siya ng isang magandang paraan.
Isang araw ay naisipan niyang kumimpal ng lupa upang gawing mga tao, sa gayon ay malulunasan ang kanyang mga kalungkutan. I niluto niya sa hurno ang lupang kanyang ginawa. Sa hindi malamang sanhi ay nakalingatan niya ito, kaya’t nang kanyang buksan ay maitim at sunog. Ang lumabas na sunog ay naging nuno ng mga Negro at Ita. Hindi nasiyahan si Bathala sa una niyang pagsubok. Kumuha uli siya ng lupa at hinubog na anyong tao at isinilid sa hurno. Sa takot niyang ito’y masunog tulad ng una, hinango agad sa kalan. Ang lumabas ngayon ay hilaw at maputi. Muling humubog si Bathala ng lupa at iniluto sa hurno. Palibhasa’y ikatlo na niyang pagsubok ito, hindi napaaga ni napahuli ang pagkakahango niya sa pugon.
Hustong-husto ang pagkakaluto ngayon at katamtaman ang kulay. Ito ang pinagmulan ng lahing kayumanggi na kinabibilangan natin.

Ang Pinagmulan Ng Daigdig
Labels:
Mga Alamat
NUONG kauna-unahang panahon, may isang nilalang na napaka-laki, hindi maaaring ihambing sa kahit anuman. Ang ngalan niya ay Melu. Ang mga ipin niya ay lantay na ginto, at ang bahay niya ay mga ulap. Kapag umupo siya, natatakpan ang buong langit. Ang linis-linis niya, lagi na lamang naghihilod sa katawan kaya naging lubusang puti ang kanyang balat. Ang libag - ang patay na balat na nahilod mula sa katawan - ay inipon niya sa isang tabi.
Pagtagal, sa laki ng katawan, napaka-laking tumpok ng libag ang naipon at medyo nainis si Melu. Pinag-isipan niya kung ano ang maiging gawin sa libag. Sa wakas, ipinasiya niyang gamitin ito sa paglikha ng daigdig. Maingat at matagal niyang hinugis ang libag at pagkatapos, natuwa siya sa kanyang nilikha. Habang pinapanuod niya ang kanyang nagawa, naisipan niyang lumikha rin ng 2 nilalang na tulad niya, mas maliit nga lamang, upang tumao sa bagong likhang daigdig.
Kinuha niya ang natirang libag at hinugis ang 2 tao. Tapos na sana ang paglikha maliban sa mga ilong nang biglang sumulpot si Tau Tana, ang nilalang mula sa ilalim ng lupa, at nagkusa na tutulong daw. Gustong sarilinin ni Melu ang paglikha ng tao kaya matagal silang nagtalo, subalit mapilit si Tau Tana. Pumayag na rin si Melu kaya si Tau Tana ang gumawa ng ilong ng tao na ikinabit niyang nakabukas sa itaas.
Magkatulong hinagupit nina Melu at Tau Tana ang mga bagong likhang tao hanggang gumalaw ang mga ito ang nagsimulang mabuhay. Umuwi na sa ulap si Melu, at si Tau Tana sa ilalim ng lupa.
Mahusay ang lagay ng lahat hanggang, isang araw, nang umulan nang malakas. Muntik nang malunod ang mga bagong likhang tao dahil tumagas ang ulan at pumasok sa kanilang mga ilong. But na lamang, nakita agad ni Melu ang nangyayari. Mabilis siyang lumapag mula sa ulap at inikot ang mga ilong para nasa ibaba ang butas.
[ Si Melu ang pinaka-haring espiritu, na tinatawagan ng mga tao sa panahon ng panganib... --M.C. Cole]
Laking pasalamant ng mga tao, at nangako silang susunod sa anumang iutos ni Melu. Sabi ni Melu, napansin niyang malungkot ang mga tao. Inutos niyang ipunin nila lahat ng buhok at libag nila.
“Sa susunod na balik ko,” pangako ni Melu, “gagamitin ko upang lumikha ng iba pang tao na makakasama ninyo!” Sa ganitong paraan dumami ang mga tao sa daigdig.

Subscribe to:
Posts (Atom)